Monday, November 24, 2008

Bad Start pare...

bad start ng week..

tae, umaga pa lang, pagkagising ko, wla na kaagad ako sa mood pumunta sa school tapos late nanaman ako nagising. Naligo ako at inisip na sana ganahan na ako pagkatapos ko maligo pero wala pa rin. Sunod, ung pantalon na naplantsa na gagamitin ko ngaun ay mali kya ito ay masikip. Ito kasi ung pantalon ko last year. Kaya kumuha ako sa sampayan ng isa pang pantalon na mas comfortable pero may nakakainis nanaman na nangyari. Pagkahila ko ng pantalon, nalaglag ung sampayan at nalaglag lahat ng mga sinampay. Nagmamadali na nga, nangyari pa ito, kya nasayang nanaman ung oras ko sa pag ayos ng mga ito at hindi ko pa naaayos ang gamit ko para sa PE.

Late na kami nakaalis ng bahay dahil sa akin at nang kami ay medyo nakalayo na, naisip ko na hindi ko pala nalagay ang PE shirt ko sa aking bag. Lalo na ako naiinis sa sarili ko kasi antanga ko. Pero naisip ko na pede naman white shirt sa Pe at buti nlng nalagay ko na ung short sa bag ko.

Medyo natraffic pa kami kaya patapos na ung flag cem nang dumating ako. Medyo maayos na ung mood ko, tapos habang naghihintay ako magsign dun sa late na sheet, may nakita akong hindi ka nais nais.. at nasabi ko nlng sa sarili ko na, malas talaga, bad start talaga pare...

Tapos habang nagkklase kami sa Str, nalaman ko na may quiz pala sa English at hindi ko pa nababasa ung reading. Kaya binasa ko ung reading nung Str at medyo natuwa naman ako dahil medyo interesting ung kwento. Kaso nga lang, hindi ako nkatulong sa mga kagroup ko at iniwan nila sa akin ung hindi nila natapos nung Str period. Hindi naman ako makatanggi dahil wala naman talaga ako ginawa. Nung Math, medyo inayos ko talaga ng konti ung mood ko dahil inisip ko na baka makatulong ito mkasagot ng test ng mas maayos. Medyo nakatulong nga pero hindi ko alam kung tama ung mga pinagsusulat ko dun. At nalaman ko rin na may mga mali ako na madadaling questions, pero bahala na, wla na ako magagawa dun.

Medyo umayos na ung araw hanggang maghapon tapos maayos sana ung homeroom pero sinali nila ako sa mga magppresent, anu kya ippresent ko??, tae naman, at parang wala rin naman ako balak pumunta eh.. Tapos ang masaklap pa dun, habang hinihintay namin ang dismissal dahil gusto ko nlng idaan sa laro ung inis ko sa sarili ko, ay umulan. Nung una ay umambon lng pero lumakas din. Lalo ako nawalan ng gana at parang gusto ko na umuwi, pero wla pa ung sundo ko.

Wala akong ginagawa hanggang masundo na ako, naglaro lang ako ng isang game sa basket kht basa ung court, tapos late na rin ako nakauwi. Kala ko tapos na lahat nung mga katangahan ko ngaung araw pero nung kumakain kami, pagkalagay ko ng tubig sa baso ko, natamaan ko ito at natapon ung tubig. Nagkalat ito sa mesa at inimis ko nlng. "haaay" ito nlng ang nasabi ko sa sarili ko dahil alam ko na ang tanga ko na tlga ngaung araw.

Ang mabuti lang ay nkpagaral ako sa chem ngaun gabi pero sana ay matandaan ko ito bukas pagdating na ng long test.
Pagkapost ko nito ay matutulog na ako at sana ay maiba naman ang araw ko bukas..

Monday, November 17, 2008

Singaporeans

Ngayon dumating ung mg exchange students na galing Singapore. Mukhang mababait naman sila pero hindi ko lang sila makausap dahil hindi ako ganun karunong magenglish :)). Pero astig sila, ung isa sa kanila, Ken ata ung pangalan, marunong ng halos lahat ng sport at magaling pa \m/. Nakalaro namin siya kanina sa volleyball at ung mga babae sa amin ay parang distracted at hindi makarecieve ng tama ng bola.. haha.. pero hindi nagtagal umalis na rin sila..

Ok lng naman ung mga class namin ngayon, pero medyo nakakainis lng ung PE. Kasi andami namin minus ni jovick sa PE, haha( PE na nga lang eh!) Tapos masaya na sana ung rest of the day, pero may ginawa akong katangahan..wahahaha.. tanga ko talaga..

Wala na ako masabi.. hahaha un lng

Wednesday, November 12, 2008

Jasmin reunion

Nagreunion ung class ko last year(Jasmin) ngaun. Ngpunta lang kami sa MOA at nandun kami buong araw. Mga 15 rin kaming pumunta at hindi masyado marami ang nagawa namin pero masaya naman. NAgkikita kami sa pisay tapos matagal din ung trip namin papunta dun dahil may mga sinundo pa kami.

Nakarating kami sa MOA nang mga 12:45 na. Ang una naming ginawa ay kumain sa Shakey's. Medyo matagal ung order namin at pahiwa-hiwalay kaya ang akala namin ay hindi kami mabubusog sa kakainin namin. Un din ang naisip pala ni proc pero mali kami, paglabas namin sa shakey's ay busog kami. After nun, nanood kami ng sine : Passengers. Kala namin sa trailer ay horror pero hindi pala!! tae, madness.. Halos walang kwenta ung story para sa akin.. Pero ang maganda lang, hindi siya boring, parang mapipilitan kang manood. After nun, inubos lang namin ung card namin sa timezone nung bago kami manood ng passengers.

Kala ko ay maguuwian na after nito pero naisip nila maglaro ng bowling. Wala dapat ako balak sumali dahil hindi naman ako marunong nun at 100 per person ang bayad, nanghihinayang ako. Pero nilibre ako ni Elvis!!(tnx Elvis) Kaya un, naglaro na rin ako.. Dati kala ko madali lang matutunan ang bowling dahil sa pinapanood ko na mga naglalro pero hindi pala siya ganun kadali. Matagal din ang isang game pero masaya naman hanggang matapos. Nakstrike pa nga ako eh, dalawang bese, lakas ng tsamba ko.. hahahha

NAguwian na kami at late na kami nakabalik ng pisay, mga 7:30. Tapos sinundo ako dun at umuwi na..

Tuesday, November 11, 2008

Last day

LAst day na bago maglong weekend, haha

Chem lang ata at fil ang klase namin ngayon.. Siguro dahil marami ang tinamad na dahil maglolong weekend na.. 1:40 pa kami ngayon tapos maraming teacher ang wala o hindi na kami pinapasok sa class nila. After ng klase, hindi na ako naglaro dahil nagkasakit ako nung sunday ng gabi tapos hindi pa rin nawawala ung uba ko.. kahit naglaro ako kahapon nga basketball, testing lang un kung kaya ko pa maglaro nang may malalang ubo. Pero kanina, hindi na ako naglaro at nagpaalam ako kay sir kung pede hindi ako magpractice at manood nlng sa training.. Pero kaunti lang ang pumunta sa training kaya pati si sir ay tinamad na at umalis nlng..

PAtuloy na naglaro sila ryan at kami ni tei ay umalis na.. Pagbalik ko sa gazebo, nagulat ako sa nakita ko.. hahaha, may naset-up ata ang naisip ko.. Magkatabi sila hanggang mga 5:30 - 6:00 tapos antahimik nila. Hindi naman talaga sila ganun pagnasa class. Tapos sabi nung isa sa kanila naiilang daw siya dahil lagi silang inaasar. At hindi man lang sila umiimik, hahaha..

Tapos un lang, naglabas uli ng sama ng loob si proc at nagulat ako, bakit ang aga ko sunduin ngayon. At ang nasa isip ko ay coding kami pagfriday, un pala tuesday nga lang pala ngayon.. haha, kaya ako ay umuwi na

Sunday, November 9, 2008

Malas...

Nagtake nanaman ng exam yung kuya ko ngayon, tapos sinamahan ko uli ung mom ko habang naghihintay sa kanya. May trabaho ung mom ko kaya hindi siya masyado tinamad habang naghihintay.. At ako naman nagbasa ng memoirs,, akalain mo un??, hahaha.. tapos un, parang mmga 4 hours ako nagbabasa pero mga naka 100 pages lang ako..

May mga nakita rin ako na mga 09 dun sa place kung saan nagtake ng exam ung kuya ko..
Nung umuwi na kami, dumaan lang kami sa mall na malapit sa amin tapos naglunch. After maglunch, kelangan daw magpagupit ng kuya ko kaya nagpagupit na siya. Tapos sabi ng mom ko na magpagupit na rin daw ako kahit ayaw ko pa, pero pinilit niya ako..

Habang nagpapagupit kami, may binili lang ung mom ko sa grocery. Tapos pagkakita niyasa akin, sobrang ikli na ng buhok ko. HIndi ko un ginusto, sabi ko lng dun sa barbero, bawasan ung sa taas pero sobra niyang ginupitan kya ang ikli na sobra..wew!

Paglabas namin sa mall, sobrang lakas ng ulan. Nagtaxi kami pero baha dun sa lugar namin kaya lumipat rin kami sa tricycle. Iba't ibang alternate route ung dinaanan ng mga tricycle para lang umiwas sa baha. Tapos nasiraan pa ung pangalawa naming tricycle na sinakyan dahil pinasok ng tubig ung makina niya, kuwawa naman siya. Dahil dun, nastranded kami sa isang lugar na hindi namin alam dahil alternate route nga ang dinaanan namin. Buti nalang at may nakita kaming suki naming tricycle at kami ay hinatid sa gitna ng malakas na ulan..

Kaya ung 20 minutes namin na biyahe pauwi galing sa mall, parang naging 1hour and 30 minutes.. Saya naman ng araw na to.. haaay..

Saturday, November 8, 2008

Quote na nabasa ko

" The best time to take a break is when there is no time" :D

Astig lang nung quote na yan, haha.. Nabasa ko lang yan nung naggrocery kami kanina.. Yan ata ung parang punchline ng Hope cigarettes... ewan un lng

Friday, November 7, 2008

haay..

Ndi masyado masaya ngaung araw na to.. Wala kasi halos nangyari at parang wala nanaman kami klase ng halos buong araw. Umulan pa kaya hindi rin kami nakapaglaro ng basketball nung hapon kya wala talaga..

Medyo maganda lang yung nangyari nung mga 6 na.. Nagpractice uli kami ng mga stunts na ginagawa pag nagbbreak dance.. Tapos andami naming natutunan, haha.. Kaya un, un lng..
wla na ako masabi sa post na to..

Tuesday, October 28, 2008

Walang kwenta

Astig ung araw na ito.., kc paranag wlng nangyari...

Lahat ng class namin ngayon ay parang wla kaming ginawa. Ang medyo may maayos lang kami na ginawa ay sa Com Sci, Fil at Chem.. Sa math, dapat ata may quiz, pero late dumating si sir. Wala rin kaming elective, ndi ko alam kung bakit.. Nalate naman ako sa str kaya ndi ko alam kung anu ung ginawa nila.. un lng..

Nung dismissal, dahil 1:40 ang aming dismissal ngaun, nagpractice sila ng paskorus.. Sila dahil hindi ako ksali dun.. Kaya habang nagppractice sila, naglalaro lang kami ni Jasper ng volleyball malapit kung saan sila nag ppractice. Maglalro pa sana kami ng basketball pero umulan, kaya wla tlgang nangyari..
Hindi na tumigil ung ulann hanggang dumilim na at nagsipaguwian na kami. Pagkauwi ko sa bahay, naligo agad ako dahil basang-basa ako ng ulan at baka ako magkasakit.

Ang nakakainis lang na nagyari ngayon ay tuluyan ng nabasag ang aking salamin. Ito ay iningatingatan ko pa ng mga ilang araw dahil ito ay pwede pang magamit. Pero dahil sa katangahan ko, nasipa ko ito sa taas ng kama knina lang at bumagsak sa floor. Kaya, nagcrack na tlga ang isang lens ng salamin ko..

Hindi ganun kaganda ang araw na ito..

Monday, October 27, 2008

Volleyball

May homeroom kami ngaun at naisip namin na maglaro nlng ng volleyball. Nung una, kami-kami lang muna, ung mga naglalaro na dati. ang mga naglaro nung first set. Mataas ang araw pa knina kaya hindi ganun kasaya ang laro namin. Pero nakatapos pa rin kami ng dalawang set.

Sa pangalawang set, may mga lumabas na mga kaklase namin na marunong pala mag laro ng volleyball. Siguro sila ay nahihiya lang o hindi lang nila iniisip na kaya nila maglaro ng sport na to. Pero nakakagulat dahil ung mga taong parang hindi active sa class ay biglang nagpakitang gilas at marunong pala maglaro ng volleyball. Maganda rin ang laban nung second set at nanalo ang team namin. K aya kami ay nakabawi na sa total score ng aming Rbolympics at all 3 ba ata ang score.

Nung hapon naman, wala kaming Pe. Kaya naglaro uli kami. Ung una, sumali lang si lance at parang naglaro kami ng mga dalawang sets. Tapos tumigil ung formal game at sila ay nag laro-laro muna at ang iba naman ay nagpahinga muna. Maya-maya, may mga dumating na mga taga ibang sections at nilabanan namin sila. Naging Rb vs others + josh. Lamang kami nung una at una pa kami nakaabot ng 24. Pero, ang galing nila, hinabol nila ung aming score at nanalo pa sila. Kaya un, natalo kami at babawi sana kami pero marami na ang nagalisan. May dumating rin na '09 pero kaialangan na ata umalis ng iba naming kasama kaya hindi rin namin sila nalabanan..

Tuesday, October 21, 2008

Pagbabago na nagawa ng retreat..

Kala ko, magnadang effects lang ang nagagawa ng retreat. Inisip ko rin may mga taong magbabago in a good way after ng retreat. Pero hindi pala!

Monday after ng retreat, marami pa sa amin ung mga pagod. Pero may naririnig ako kay jovick na may nagpost daw sa blog ng section namin ng good sides ng lahat ng tao sa aming section. Hindi ko naman ganun pinansin nung una dahl ang inisip ko, wala lang siguro magawa ang taong gumawa nito. At ichchek ko nlng paguwi ko kung anu man ung nkasulat dun.

Pero, nung mismong araw na un, may narinig uli ako na parang iba daw ung talagang use ng post na un. May parang sinabi na edited post nalang daw un at hindi daw maganda ang nakasulat sa original post.

Pagkachek ko nung gabi, good sides na nga lang ung nkalagay dun, pero kanina, buti nalang may datacomm!! Nakita namin ang original na version nung post na un at akala nung mga taong nagmamanage nung blog ay wla na sila problema dun. Pero ang nangyari, kumalat ang balita at parang pinagusapan nlng na gumawa ng protected post.

Tapos un, nagkaaalaman na. Merong naglabas ng kanyang opinyon sa buong rubidium at parang may pinatatamaan pa. NAgulat ang lahat at marami ang nagreact sa post na ito. Kala ng iba ay magiging seryoso ang pagapproach ng class dito at ganun nga ang nangyari sa simula. Pero hindi talaga maiwasan na mang gago. Ginamit ng mga tao ang mga nakasulat sa kanilang hindi magandang side upang parang mangasar sa klase. Dahil hindi naman namin alam kung sino talga ang gumawa nito, hindi namin alam kung sino ang tinatamaan sa aming pangaasar.

Nagiisip - isip ang mga tao kung sino talaga ang gumawa ng wlng kwenta at mababaw na post na un. Magkakaiba siguro ang aming mga iniisip, pero hindi pa rin kami sigurado kung sino talaga ang gumawa nito :D.

Ang galing talaga ng retreat, marami itong nagagwang pagbabago sa ating buhay. Natututo tayo na magexpress ng ating mga nasa isip. Pero sana naman ay wag maxado "below the belt" ang ating pagexpress ng feelings..

Monday, October 20, 2008

2nd day ng retreat

Ito ata ung pinaka magnadang day ng retreat dahil parang puro activities kami ng buong araw.
Ung una, ung hardcore speaker. Tapos after nun, nagkaroon kami ng parang amazing race. Lahat ng tao sa aming group ay nagparticipate sa activity na ito. After ng buong amazing race, hindi ko naisip na meron pala itong connection sa retreat, ang akala ko ay para lang matuwa ang mga bata.

Pinagusapan namin ang mga kinalaman ng bawat part ng amazing race sa actual life. May mga ibang stations na mali ang aming pagkaapproach compared sa normal pero ang iba ay tama naman. Marami kami natutunan sa discussion na ito.

Sinusulit naman namin ang lahat ng break para makapaglaro tulad ng ginawa namin nung first day. Nung pagdating namin nung friday, nagkaroon ng parang 2 hours para magayos ng room. Pero nakapagayos na kaagad kami at nilibot namin ung buong area dahil parnag nakakalito at nakakaligaw ung place pag first time mo. Tapos nakita namin na may basketball court kaya kami ay naglaro na rin hanggang matapos ang break.

Nung gabi, kami ay nagbasa lang ng aming mga palanca. Tapos ang dami kong nalaman na hindi ko akalaing masasabi nila sa akin. Siguro ung iba ay pangbobola lng pero hindi pa rin ako ganun na makapaniwala :)).

May masama pang nangyari nung gabing to kaya parang mas naging strict ung mga teacher at pinatulog kami ng maaga at sinarado agad ung aming mga rooms. Un lang ung nakakainis sa araw na ito.

Sunday, October 19, 2008

Hardcore speaker \m/

Gusto ko lang masabi na ang galing nung speaker dun sa retreat namin. Kinuwento niya ung ups and downs nung buhay niya. Nakakainspire yung mga sinasabi niya. Parang ang lahat ng mangyari sa kanya ay inaalay niya kay Lord.

Nung nagsimula ang kanayang talk, ako ay inaaantok-antok na. Pero ang ginawa niya, parang binubuhay niya ung mga audience sa kanyang mga sinasabi. Kahit nung simula, medyo hindi pa rin ako ginaganahan, patuloy ang mga kwento niya na magaganda dahil ito ay kanyang mga experiences sa buhay. Kaya ako ay tuluyan ng nagising sa kanyang talk.

Kinuwento niya ung nainis siya sa tatay niya at kung anu ang ginawa niya para maayos ito. Hindi lang weeks ang tagal ng kanynag pagkainis sa kanyang tatay pero years. Tapos sa isang Christmas, nagawa niyang ausin ang lahat ng ito sa pamamagitan ng isang letter. Tapos un, ang ganda nang pagkakwento niya. Marami ang mga taong naiyak sa kanyang pagkwento at pati ang mga tao na hindi ko akalain na iiyak ay napaiyak niya. Astig talaga.

Monday, October 13, 2008

DLSU entrance exam

Hindi ako ang magtatake ng exam, kuya ko..

Kaya lng ito ang title ng post na ito dahil ito ang dahilan kung bakit wla ako sa bahay ng buong araw. Nagsimba kami ng sobrang aga at paguwi, umalis rin pagkatapos ng isang oras para ihatid ang kuya ko. Ganito kaaga dahil baka raw abutin kami ng traffic dun at masikip lng ang daan dun. Kami nga ay inabot ng traffic doon at marami na ang kotse pagdating namin kya mabagal na ang galaw ng mga kotse. Kami ay kumain muna ng tanghalian at hinatid ang kuya ko sa loob ng LaSalle. Pagkahatid namin ay iniwan na namin siya doon at pumunta kami sa mall of asia.

Ang ginawa lng namin sa MOA ay naggrocery pero maraming pinamili ang mommy ko at mabagal pa aming paggalaw. dahil dito, inabot kami ng halos dalawang oras d2, pero kaya siguro kami ganito ay para maikli nlng ang hihintayin na oras pagkatapos. Pagkatapos namin maggrocery, 4 pm plng kya kami ay naghintay sa starbucks hanggang 6 pm.

Pagkatapos ng exam, kami ay umuwi na at nakauwi na kami ng mga 7:30 ng gabi. Maglalro dapat ako pero gumamit ang kuya ko ng computer kaya naghintay ako. Pero naawalan ng internet nung gabi kaya ako ay natulog nlng.

Saturday, October 11, 2008

Dota

Ang ginawa ko lng sa araw na ito ay maglaro ng dota. Pagkagising ko, ay kumain lng ako at nagpunta na sa aming computer at naglaro. Walang tao sa bahay kaya wla akong kaagaw sa computer kaya tuloy-tuloy lng ang aking paglalaro.

Pero sa gitna ng paglalaro ko, nagaral din ako sa datacomm dahil natandaan ko na may Lt pa pala kami sa araw na to. Nagaral lng ako ng konti tapos naglaro na uli. Nagtake ako ng exam after ng ilang games, at 75% lng ang nakuha ko. Halos wla na ako pakielam dahil 5% lng naman to ng grade namin. haha

May pinalano dapat kaming laban ng dota ngaun pero hindi kami nkumpleto at sobrang lag ung mga kalaro kong iba. Kaya hindi na natuloy ang aming laban. Pero alam ko na talo naman kami dun sa laban na un kaya aus lng. Kaya naglaro nlng kami tulad ng dati, na wlng plano, kung sino lng pede maglaro ay kasali. At kami ay natuwa naman. Si Portia naman ay sinali naman ay akala namin ay hindi siya ganun karunong maglaro. Pero nung kami ay naglalro na, mas malakas pa siya sa amin ni jovick at kami ay kinakain na ng kalaban namin. Nagulat kami ni jovick dahil mas marunong pa xa sa amin. At nung sunod na laro, pinaltan pa si Portia ng kanyang bunsong kapatid at mas magaling pa lalo. haha, nkkhiya kami..

Hindi makapaniwala ang iba naming kalaro dahil ang akala rin nila ay hindi ganun karunong si portia. Kahit ako at si jovick ay hindi makapaniwala pero ang sabi niya ay siya tlga ang naglalro nun. Maniniwala nlng ako sa sinabi niyang un..

Friday, October 10, 2008

oo

Happy Birthday Mac and Maam Dawn!!

Wla ako maisip na title ng post kaya oo nlng.

Maraming nangyari ngaung araw. Tapos na nga ang exam pero ang dami namin hinahabol.
Umaga palang, kami ay nagmamadali na dahil 1 pm raw ang submission ng health project. Kagabi pa lang ay may nagawa na kami sa project na to pero konti palang pala un. Kanina, nsa girls' dorm na kaagad kami maaga pa lang. Minamadali namin ung health project at kami ay naggupit ng mga papel. Nag mamadali rin kami dahil may Lt pa sa comsci ng 12 pm. Kaya dapat matapos namin ung project ng bago mag12.

Natapos naman namin ang project sa oras, pero ako ay pinatakbo upang isubmit ung project sa gym. Bago pa ako pumunta sa gym, kelangan ko raw magpasign ng 30 na tao dun sa isang page.
Mukha pang maaga ang pagsubmit namin dahil marami pa rin ang nagcccram para matapos ang project nung kami ay nagsubmit. Medyo nalate ako sa comsci Lt, buti nlng ay may seating arrangement na inaayos kaya ako ay umabot sa simula ng test.

Nung hapon naman, english naman ang dapat naming matapos. Nagulo pa ang aming paggawa dahil nagcelebrate si Mac at maam Dawn ng kanilang birthday at nanlibre ang aming mga kaklase. Okei lng naman dahil kami ay nabusog sa kainan at gumawa na uli ng english. May homeroom pagkatapos ng kainan kaya kami ay napamadali dahil gusto namin sumama maglaro. Nang kami ay patapos na, nkita namin na paalis na si sir Joey kaya hinabol pa namin xa upang mapasign ang aming nagawa. Umabot naman kami at nang natapos na namin ang aming project, wla na rin kaming naabutan na naglalaro sa homeroom kaya wla na kami nakalaro.

Nung malapit na maggabi, marami ang naglalaro sa court kahit ito ay basa sa ulan. Sa lahat ng nilaro namin, lagi ako tinatalo ni jovick pero patuloy parin kami sa paglaro. Nung nagkaroon na uli ng konting ulan, nagsipagalisan na ang iba at nag one on one muna kami ni jovick pero ako ay talo pa rin. haha

Un na ang mga nangyari sa araw na to..

Wednesday, October 8, 2008

Last day ng Exams!!

Yes!! last day na rin ng exams sa wakas. Ang bilis nga naman lumipas ng panahon. Ang mga exams ngaun ay math physics at socsci. Sa parehong exams, marami akong hinulaan dahil marami akong hindi alam. At ako rin ay medyo tinatamad na dahil last day na at iniisip na ang aking pedeng gawin pagkatapos ng exam. Sa tingin ko ay hindi lng ako ang ganito ang iniisip dahil marami sa amin ang natapos ng maaga sa last exam.

Marami ang naglaro ng iba't ibang laro pagkatapos ng last exam. Ito ay dahil wla ng aaralin pa para sa sunod na araw pero marami rin ang naghahabol ng mga project. Kami ay project sa english na dapat sisimulan namin ngaun pero ako at ang aking groupmates ay tinamad kaya pinagpaliban namin at bukas nlng sisimulan. Nalaman rin namin na wlang pasok next week kaya sa friday dapat namin isusubmit ang project na to. Sana ay matapos namin ito sa oras.

Halos puro laro na ang ginawa namin sa araw na ito hanggang umulan na nagpatigil sa aming laro.

Paguwi ko, wla ako magawa kaya ito nlng ginawa ko. Kaya matutulog nlng ako dahil may gagamit pa ng computer.

Monday, October 6, 2008

First day ng exams

Nasunog ung school last week kaya ngaun kami mageexam na dapat last week pa naganap.

Ang una naming test ay chem at english. Hindi ko natapos ung chem perio at ung iba ay hinulaan ko nlng kaya sa tingin ko ay mababa ang grade ko dito. Sa english naman, may nklimutan akong part nung libro kaya tingin ko mas mababa pa ang grade ko sa subject na to.:))
Pero, wla na rin maxado kwenta ang pagaalala ko sa mga grades ko d2 dahil wla na akong magagawa sa mga naganap na. kaya un na un.

After ng exams, wla na kami nagawa at hindi na nakapaglaro dahil umulan habang kami ay nagexam. Kaya marami sa amin ang nagsipaguwian na at hindi na nagstay sa school.

First day palang ay pangit na ang aking performance sa exams, panu pa kaya ung mga sumusunod. hehe.. good luck nlng

Wla na akong masabi kaya tatapusin ko na ang post na to..

Thursday, September 11, 2008

5th post... walang kwenta

kailangan daw ng limang posts kaya gagwin ko to..

sasabihin ko nalang kung anung mga nangyari kahapon.
Halos walang nangyari kahapon. Marami lang na quiz at may long test sa chem. Nung umaga, nagdiscuss lang sa str, nagusap tungkol sa project sa english nagquiz sa socsci, at may ginawa sa comsci. Sa elective, naglaro lang ang halos lahat sa amin. Nung hapon naman, nagexperiment kami sa physics na ang labo ng mga results. Sa bio, halos makatulog na ako kahit hindi naman boring ang lesson pero inaantok lang talaga ako. At sa chem, may long test. May lumabas na mga tanong sa long test na hindi ko napagaralan at halos makalimutan ko na kaya halos wala ako nasulat sa essay.

Buong araw naman umuulan, kaya hindi kami nakalaro ng basketball dahil basa ang court. Kami ay nagpingpong naman sa gym pero kami ay pinaalis agad dahil time na raw. At ako ay umuwi na.

Paguwi, gumawa lang ako ng assign sa math na halos wala ako masagot kaya hindi ko rin natapos. Nagaral ng kaunti sa physics at nagbasa ng libro sa english. PAgkatpos ay inantok na ako kaya natulog na ako.

Walang kwenta talaga ang araw kahapon...

Tuesday, September 9, 2008

Lyrics...

Wala na akong mapost kaya lyrics nalang nung mga kanta na kinanta nung mga kabatch namin ang ipopost ko ngayon..

Stars - Calalily
picture of you reminds me
How the years have gone so lonely
Why do you come and leave me
Without saying that you love me

I'm saying i love you again
Are you listening
Open your eyes once again
Look at me crying

If only you could hear me
Shout your name
If only you could feel
My love again
The stars in the sky will
Never be the same
If only you were here

A picture of you reminds me
How the days have gone so empty
Why do you come and leave me
Without saying that you love me

I'm saying i love you again
Are you listening
Open your eyes once again
Look at me crying

If only you could hear me
Shout your name
If only you could feel
My love again
The stars in the sky will
Never be the same
If only you were here

I'm saying i love you again
Are you listening
Open your eyes once again
Look at me crying

If only you could hear me
Shout your name
If only you could feel
My love again
The stars in the sky will
Never be the same
If only i had wings
So i can fly
I want to be with you
For all of time
My love for you
Will never die

If only you could hear me
Shout your name
If only you could feel
My love again
The stars in the sky will
Never be the same
If only you were here
(if only you were here)

Let it Be - The Beatles

When I find myself in times of trouble, mother Mary comes to me,
speaking words of wisdom, let it be.
And in my hour of darkness she is standing right in front of me,
speaking words of wisdom, let it be.

Let it be, let it be, let it be, let it be.
Whisper words of wisdom, let it be.

And when the broken hearted people living in the world agree,
there will be an answer, let it be.
For though they may be parted there is still a chance that they will see,
there will be an answer. let it be.

Let it be, let it be, .....

And when the night is cloudy, there is still a light, that shines on me,
shine until tomorrow, let it be.
I wake up to the sound of music, mother Mary comes to me,
speaking words of wisdom, let it be.

Let it be, let it be, .....

Love Song - Sarah Bareilles

Head underwater
And they tell me
To breathe easy for a while
breathing gets harder, even I know that
Made room for me;
It's too soon to see
If I'm happy in your hands
I'm unusually hard to hold on to

Blank stares at blank pages
No easy way to say this
You mean well, but you make this hard on me

I'm not gonna write you a love song
'cause you asked for it
'cause you need one,
you see

I'm not gonna write you
a love song
'cause you tell me it's
Make or breaking this
if you're on your way

I'm not gonna write you to
stay
If all you have is leavin',
I'ma need a better reason
To write you
A love song
Today
Today,Yeah

I learned the hard way
That they all say
things you want to hear

my heavy heart sinks deep down under
You and your twisted words,
Your help just hurts
You are not what I thought you were
Hello to high and dry

Convince me to please you
Make me think that I need this too
I'm trying to let you hear me as I am

I'm not gonna write you a love song
'cause you asked for it
'cause you need one,
you see

I'm not gonna write you
a love song
'cause you tell me it's
Make or breaking this
if you're on your way

I'm not gonna write you to
stay
If all you have is leavin',
I'ma need a better reason
To write you
A love song
Today

Promise me that you'll leave the light on
To help me see
With daylight, my guide, gone
'cause I believe there's a way you can love me
Because I say
I'm not gonna write you a love song
'cause you asked for it
'cause you need one,
you see

I'm not gonna write you
a love song
'cause you tell me it's
Make or breaking this
Is that why you wanted a love song?
'cause you asked for it?
'cause you need one?
You see

I'm not gonna write you a love song
'cause you tell me it's
Make or break in this
Or you're on your way
I'm not gonna write you
to stay

If your heart is nowhere in it
I don't want it for a minute
Babe, I'll walk the seven seas when I believe that
There's a reason to write you
a love song
Today

Head underwater
And they tell me
To breathe easy for a while
breathing gets harder, even I know that
Made room for me;
It's too soon to see
If I'm happy in your hands
I'm unusually hard to hold on to

Blank stares at blank pages
No easy way to say this
You mean well, but you make this hard on me

I'm not gonna write you a love song
'cause you asked for it
'cause you need one,
you see

I'm not gonna write you
a love song
'cause you tell me it's
Make or breaking this
if you're on your way

I'm not gonna write you to
stay
If all you have is leavin',
I'ma need a better reason
To write you
A love song
Today
Today,Yeah

I learned the hard way
That they all say
things you want to hear

my heavy heart sinks deep down under
You and your twisted words,
Your help just hurts
You are not what I thought you were
Hello to high and dry

Convince me to please you
Make me think that I need this too
I'm trying to let you hear me as I am

I'm not gonna write you a love song
'cause you asked for it
'cause you need one,
you see

I'm not gonna write you
a love song
'cause you tell me it's
Make or breaking this
if you're on your way

I'm not gonna write you to
stay
If all you have is leavin',
I'ma need a better reason
To write you
A love song
Today

Promise me that you'll leave the light on
To help me see
With daylight, my guide, gone
'cause I believe there's a way you can love me
Because I say
I'm not gonna write you a love song
'cause you asked for it
'cause you need one,
you see

I'm not gonna write you
a love song
'cause you tell me it's
Make or breaking this
Is that why you wanted a love song?
'cause you asked for it?
'cause you need one?
You see

I'm not gonna write you a love song
'cause you tell me it's
Make or break in this
Or you're on your way
I'm not gonna write you
to stay

If your heart is nowhere in it
I don't want it for a minute
Babe, I'll walk the seven seas when I believe that
There's a reason to write you
a love song
Today

Monday, September 8, 2008

Humanities week.. continuation

Marami pang nangyari nung humanities week simula nung tuesday hanggang nung family day.

Tuesday - Nung umaga, kami ay nagpunta lang sa aming mga Acle. Ang unang Acle ay parepreho sa lahat ng third at fourth years kaya kami lahat ay nasa gym. Ang talk na naganap sa gym ay tungkol sa "Keep Love Real". Hindi ko masyado napakinggan ang pinagsasabi nung speaker dahil ako ay nakikipaglaro lang ng battleship sa aking kaklase. Kami ay naglalaro lang hanggang matapos siyang magsalita.
Pagkatapos nun, kami ay pumunta sa aming sari-sariling Acle kung saan kami nagregister. Ang pinili kong acle ay ung walang ginagawa at ang napili ko ay ang monood nalang ng palabas. Ang palabas na pinanood ko ay ang Bella. Ito ay tungkol sa isang taong halos perpekto na ang buhay at umasenso na nang makasagasa siya ng isang bata at siya ay nakulong. Maganda ang kwento ng palabas na ito.
Nung hapon kami ay nagpraktis nlng para sa aming Dikum na gaanapin sa susunod na araw.

Wednesday - Sa umaga, kami ay nanood lamang ng required na palabas na para sa Filipino. Pagkatapos nun, kami ay nagpraktis na muli sa dikum na ippresent sa hapon na iyon. Nakailang runthrough lang kami at tumigil na rin. KAmi ay kumain na ng tanghalian at pagkatapos kumain, ay naglast runthrough at pumunta na sa Auditorium upang manood ng mga magtatanghal hanggang kami na ang magtatangahal. Maganda naman ang kalalabasan ng aming presentation at ako ay nagkamali pa nga pero hindi ata nahalata. Kami ay lumabas na second place at sabi ni Isabel na magcecelebrate daw next day at kami ay kakain.
Pagkatapos ng dikum, Nag ring sa court ay nalagay na rin sa wakas, at makakapaglaro na uli kami. Marami ang nagpunta doon upang maglaro at kami ay naglaro na lamang hanggang magdilim.

Thursday - Wala masyado nangyarai sa araw na ito dahil kaunti lang ang aming activities. Nung umaga, kami ay nakinig lang sa mga kabatch namin na nag-elocution at pagkatapos ng aming batch ay umalis na rin ako sa astb upang pumunta sa gazebo. Kami ay tumambay lang doon hsnggang may nagyaya maglaro ng pingpong. Wala na kaming activity para sa hapos kaya ako ay nakipaglaro nalang ng pingpong sa aking kaibigan. Hindi ko napansin ang oras at 4 na pala at sinabi pa naman na ang celebration daw sa dikum ay 3 pm. Kaya ako ay lumabas agad ng gym at niyaya ang mga kaklase ko na nasalubong ka na pumunta sa celebration. Akaal namin, pagdating namin doon ay wala na kaming aabutan un pala, marami pa ang natira at hindi rin namin naubos ang mga pagkain. Umulan pagkatapos namin kumain kaya kami ay hindi na nakapaglaro ng basketball nung hapon.

Friday - Halos buong araw kami nasa gym. Una, nandoon kami dahil foundation day. May nagsalita nanaman na speaker at kami ay nagbattleship nanaman ng aking kaklase. Hindi masyado mahaba ang speech kaya hindi ganun na nakakatamad at naka-isang laro lang kami at talo nanaman ako. Niloloko nalang namin ang senior na nagbabantay sa amin upang may palipas oras at nang tumagal, kami ay kumuha nlng ng math book at nagprove ng mga tanong doon. At natapos na ang umaga at kami ay pinalabas na sa gym.
Ang sunod na activity ay ang talent for a cause at sa gym ulit ginanap. Pinanood ko lang ang aming mga kabatch na nagperform at umalis na rin sa gym upang magbasaketball. Ang mga napanood ko ay ang potassium band na kumanta ng Stars ng Calalily, ilang mga teachers na nagpresent at si Isabel na kaklase ko na tumgtog at kumanta ng Let it be at Love song. Dahil ako ay naglaro na sa baba, hindi ko nakita ang math unit na magpresent na sabi ko ay papanoorin ko at ang sabi ng mga nakanood ay nakakatuwa raw.

Saturday (family day) - Halos wala akong ginawa ng araw na ito kundi maglaro. Pero badrtip dahil naiwan ko anag aking salamin sa bahay at halos wala ako makita sa malayo. Nung umaga, kami ay pinagparada sa oval bago pumunta sa gym. Nagkaroon lang ng opening rites sa gym at bago mag games, ako ay umalis na at naglaro ng pingpong. Hindi ko na alam ang naging resulta nung mga laro. Naglalaro lang ako hanggang tumigil na ako dahil magllunch na. Hindi ako umorder ng batch lunch kaya wala rin ako kinain kaya naghanap nalang ako ng matatambayan at mapagpapalipasan ng oras.
Makalipas ang mga isang oras, kinuha na ng aking magulang ang aking card at naghintay lang ako ng sandali sa school at umalis na rin kami. Pagkauwi ko sa bahay ako ay naglaro naman ng dota hanggang ako ay matulog na.

Yan na ang lahat ng masasabi ko sa mga nangyari nung humanities week...


At Birthday nga pala ni Mama Mary ngayon, wala lang.. Happy Birthday!!!

Monday, September 1, 2008

First day ng Humanities week...

Halos walang nangyaring matino sa araw na to.. Kaya ang mga sasabihin ko nalang ay ang mga masasaya at importante na mga nangyari sa araw na to.

Nagsimula ang ceremony sa pagpapalakad sa lahat ng students paikot ng field ng mga 8 pa lamang. Kami ay pinalakad sa field habang mataas pa ang sikat ng araw. Pagkaikot namin ng isang beses, pinaikot pa ulit kami ng isa pa bago pumunta dun sa lugar namin. Pagdating sa aming assigned area, marami na ang pawisan dahil sa init ng araw. Kaya ang mga tao ay naghahanap ng sari-sariling paraan ng pagpapaplamig sa kanilang mga sarili. Kami ay nakatayo lamang doon hanggang kami ay pinauppo upang manuod ng hinandang play ng Maskara.

Pagkatapos nung play, merong nagtanim ng puno sa tabi ng grandstand at akala naman ay tapos na ang opening ceremonies. Pero, hindi pa pala, ipipakita pa pala ang mga teasers ng mga batang lumahok sa talent for a cause. Pagkatapos nung mga teasers, kami ay pabalik na sa gazebo at ang ibang tao naman ay papunta na sa cafeteria nang hinarang kami ng isang galit na galit na COCC na bawal daw lumabas ng field. Ang labo diba, pero pagkakita ko sa may front lobby, pwedeng lumabas ang mga tao sa front nang hindi hinaharang ng mga COCC. Kaya kami ay dumiretso lamang at nilagpasan siya dahil akala namin ay pwede talaga, ngunit kami ay kanyang binilangan at tinakot pa kami sa pagbibigay ng IR. Kaya kami ay bumalik sa loob ng field hanggang may isang estudyanteng lumabas at sinabi sa kanya ng harap-harapan na pwede daw lumabas sabi ng teachers. Marami ang nakarinig dun at habang nilalagpasan siya ng mga tao, siya ay inaasar at nagwalk-out na lamang siya sa kanyang lugar.

Pagkatapos ng maikling break, pinabalik nanaman kami sa aming mga lugar kasama ang aming mga houses. At nagsabi na bawal daw magiwan ng gamit sa gazebo at icoconfiscate raw. Ang dami namang bawala sa araw na ito. Kaya marami ang naasar dahil kailangan pa nila dalhin ang kanilang bag sa kanilang mga lugar at pagkatapos ay babalik din sa pinanggalingan upang ilagay muli ang bag.

Nang kami ay nagtipon-tipon na sa aming mga houses, magsisimula na ang Filipino games. Ang unang laro ay ang tug-of-war. Sa unang laro, kami ay natalo na kaagad. May dalawa pang mga sumunod na mga laro at laging talo ang aming house, haha. Hanggang dun sa huling laro na premyo o bayong na nanalo ang isa naming kaklase.Kami ay nanonood lamang sa mga manlalaro at umupo sa may semento sa bandang ilalim ng mga puno at sinabihan nanaman kami na bawal daw umupo dun, bawal nanaman, lahat nalang bawal. Habang naglalaro ang mga tao, may biglang lumapit na COCC sa kaibaigan ko na nagkataon na naguusap kami at ang iba pa naming kasama. Kinulbit siya bigla nung COCC at tinanong kung may problema ba siya sa mga babae. Nagtanong ang aking kaibigan kung bakit at sabi na sinabihan daw ang isang COCC na babae na "babae ka lang". Sinabihan ang aking kaibigan na magsorry daw siya, pero hindi pumayag ang aking kaibigan dahil yung babae naman ang unang nangbastos sa kanya at sinigawan siya. At ang sinagot ba naman ay "CO kami". Kami ay parang nainis na nang sandaling yun dahil parang ang yabang ng dating. At sumagot ang aking kaibigan na "anu ngayon, lahat parin tayo ay estudyante at lahat tayo dapat pantay-pantay lang. Kung gusto niyong respetuhin namin kayo, respetuhin niyo muna kami. Kaya ndi kayo basta sinusunod ng mga lower years eh" (OWNED!!) haha. Wala ng nasabi ang ang COCC at inulit na magsorry parin daw siya, ngunit siya ay hindi pumayag. Kaya umalis na lamang ang COCC.

Tama ang sinabi ng aking kaibigan dito. Nakakainis na rin talaga ang ILAN sa mga COCC ng araw na to, dahil akala mo kung sino silang may mga kapangyarihan at kahit sino nalang ay sisigawan. Dapat ay pantay -pantay lang ang mga tingin natin sa isa't isa at hindi ginagawang excuse ang pagkakaroon ng position sa pagwala ng respeto.

Pagkatpos ng lahat ng iyon, kami ay kumain at naglaro ng konting volleyball. Tapos kami ay nagtanim na ng puno, at pagdating ko dun, natanim na ang aming puno. Ang pagtatanim ang last activity sa araw na ito. Kaya ang iba ay nagbalak maglaro ng volleybll uli, ngunit mainit pa ang araw kaya tinamad ang iba at ang iba ay nagpingpong, bumalik sa dorm at naghanap ng ibang magagawa. Nung mga $ na, nagsimula na ang aming Dikum practice sa araw na ito, at may mga binago na uli sa aming presentation.

Yun lang ang mga masasabi ko o natatandaan ko na nangyari ngayong araw na ito....

Sunday, August 31, 2008

unang post... :)

kakagawa lng ng blog na to, dahil kailangan daw magpost, magkkwento nalang ako sa nangyari sa practice namin kahapon(saturday) na para sa dikum sana..

Ang practice namin ay naganap sa bahay ni andie sa may white plains. Nagkita-kita kami sa school ng 12:30 at dun kami sinundo ni mia, pero nakaalis na kami dun ng mga 1 o lagpas pa. Pagdating namin sa bahay nila andie, naglalaro si isay at andie ng pingpong at kami ay nanood muna sa kanila. Hindi nagtagal, tinamad na ang iba sa amin at naghanap na ng magagawa. Dumating naman ang iba pa naming kaklaseng babae at tumigil sa paglalaro ng pingpong sina isay at nagkaroon na sila ng kakuwentuhan. Ang iba sa aming mga lalake na walang magawa ay pinaltan sila isay, at sila naman ang naglaro ng pingpong. Kami naman ay walang magawa kaya napagtripan namin ang isang maliit na ring ng basketball at dun naglaro.

Nang makalipas ang mga dalawang oras, nagsimula na ang aming practice. At hindi nagtagal, tinamad na rin ang mga ilan sa amin at nagsimula na uli maglaro. Pero kami naman ay may nagawa ng kaunti sa aming dikum bago maglaro ang karamihan. Ang mga lalake ay naglaro ng basketball, ang ilang babae ay naglaro ng volleyball at ang iba naman ay naglalaro pa rin ng pingpong habang ang iba ay gumagawa pa rin para sa dikum(ata). Nang mapagod na ang iba, naisip na nilang magpahinga at kumain muna.

Pagkatapos namin kumain, nagpractice uli kami ng dikum, at medyo maganda naman ang kalalabasan nito. Pero ng makatapos ng ilang mga runthrough, tinamad nanaman ang iba at naglaro na muli. Ang mga lalaki ay may balak na maglaro uli nga basketball pero may nagyaya daw na kalabanin ng mga babae ang mga lalaki sa volleyball. Kaya sinunod namin ang kagustuhan nila dahil masaya rin naman kung gagawin namin ito. Nung simula kami ay naglaro-laro lang muna nang maisip nila na magkaroon daw ng scoring. Dahil marami rin ang naglalaro, nagkaroon nga ng scoring at nagkaroon pa ng net. Nasunod naman ang ilang rules at naging masaya ang laro. Marami ang sumali nang first time palang nila at marami rin ang mabilis na natuto na lalo pang nagpasaya sa aming laro.

Ito nalang ang ginagawa namin hanggang maguwian na kami. So, parang mas marami pa kaming oras na nilaro kaysa nagawa para sa dikum. Ang saya diba? haha...

Hindi ko alam kung tama pa ung pagkasunod-sunod ng events pero parang ganyan nga ung nangyari sa practice namin kahapon...

At yun na nga ang mga nangyari kahapon sa aming practice na para dapat sa dikum, sana maganda ang kalalabasan ng dikum namin, hehe...