kakagawa lng ng blog na to, dahil kailangan daw magpost, magkkwento nalang ako sa nangyari sa practice namin kahapon(saturday) na para sa dikum sana..
Ang practice namin ay naganap sa bahay ni andie sa may white plains. Nagkita-kita kami sa school ng 12:30 at dun kami sinundo ni mia, pero nakaalis na kami dun ng mga 1 o lagpas pa. Pagdating namin sa bahay nila andie, naglalaro si isay at andie ng pingpong at kami ay nanood muna sa kanila. Hindi nagtagal, tinamad na ang iba sa amin at naghanap na ng magagawa. Dumating naman ang iba pa naming kaklaseng babae at tumigil sa paglalaro ng pingpong sina isay at nagkaroon na sila ng kakuwentuhan. Ang iba sa aming mga lalake na walang magawa ay pinaltan sila isay, at sila naman ang naglaro ng pingpong. Kami naman ay walang magawa kaya napagtripan namin ang isang maliit na ring ng basketball at dun naglaro.
Nang makalipas ang mga dalawang oras, nagsimula na ang aming practice. At hindi nagtagal, tinamad na rin ang mga ilan sa amin at nagsimula na uli maglaro. Pero kami naman ay may nagawa ng kaunti sa aming dikum bago maglaro ang karamihan. Ang mga lalake ay naglaro ng basketball, ang ilang babae ay naglaro ng volleyball at ang iba naman ay naglalaro pa rin ng pingpong habang ang iba ay gumagawa pa rin para sa dikum(ata). Nang mapagod na ang iba, naisip na nilang magpahinga at kumain muna.
Pagkatapos namin kumain, nagpractice uli kami ng dikum, at medyo maganda naman ang kalalabasan nito. Pero ng makatapos ng ilang mga runthrough, tinamad nanaman ang iba at naglaro na muli. Ang mga lalaki ay may balak na maglaro uli nga basketball pero may nagyaya daw na kalabanin ng mga babae ang mga lalaki sa volleyball. Kaya sinunod namin ang kagustuhan nila dahil masaya rin naman kung gagawin namin ito. Nung simula kami ay naglaro-laro lang muna nang maisip nila na magkaroon daw ng scoring. Dahil marami rin ang naglalaro, nagkaroon nga ng scoring at nagkaroon pa ng net. Nasunod naman ang ilang rules at naging masaya ang laro. Marami ang sumali nang first time palang nila at marami rin ang mabilis na natuto na lalo pang nagpasaya sa aming laro.
Ito nalang ang ginagawa namin hanggang maguwian na kami. So, parang mas marami pa kaming oras na nilaro kaysa nagawa para sa dikum. Ang saya diba? haha...
Hindi ko alam kung tama pa ung pagkasunod-sunod ng events pero parang ganyan nga ung nangyari sa practice namin kahapon...
At yun na nga ang mga nangyari kahapon sa aming practice na para dapat sa dikum, sana maganda ang kalalabasan ng dikum namin, hehe...
Sunday, August 31, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment