kailangan daw ng limang posts kaya gagwin ko to..
sasabihin ko nalang kung anung mga nangyari kahapon.
Halos walang nangyari kahapon. Marami lang na quiz at may long test sa chem. Nung umaga, nagdiscuss lang sa str, nagusap tungkol sa project sa english nagquiz sa socsci, at may ginawa sa comsci. Sa elective, naglaro lang ang halos lahat sa amin. Nung hapon naman, nagexperiment kami sa physics na ang labo ng mga results. Sa bio, halos makatulog na ako kahit hindi naman boring ang lesson pero inaantok lang talaga ako. At sa chem, may long test. May lumabas na mga tanong sa long test na hindi ko napagaralan at halos makalimutan ko na kaya halos wala ako nasulat sa essay.
Buong araw naman umuulan, kaya hindi kami nakalaro ng basketball dahil basa ang court. Kami ay nagpingpong naman sa gym pero kami ay pinaalis agad dahil time na raw. At ako ay umuwi na.
Paguwi, gumawa lang ako ng assign sa math na halos wala ako masagot kaya hindi ko rin natapos. Nagaral ng kaunti sa physics at nagbasa ng libro sa english. PAgkatpos ay inantok na ako kaya natulog na ako.
Walang kwenta talaga ang araw kahapon...
Thursday, September 11, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment