Halos walang nangyaring matino sa araw na to.. Kaya ang mga sasabihin ko nalang ay ang mga masasaya at importante na mga nangyari sa araw na to.
Nagsimula ang ceremony sa pagpapalakad sa lahat ng students paikot ng field ng mga 8 pa lamang. Kami ay pinalakad sa field habang mataas pa ang sikat ng araw. Pagkaikot namin ng isang beses, pinaikot pa ulit kami ng isa pa bago pumunta dun sa lugar namin. Pagdating sa aming assigned area, marami na ang pawisan dahil sa init ng araw. Kaya ang mga tao ay naghahanap ng sari-sariling paraan ng pagpapaplamig sa kanilang mga sarili. Kami ay nakatayo lamang doon hanggang kami ay pinauppo upang manuod ng hinandang play ng Maskara.
Pagkatapos nung play, merong nagtanim ng puno sa tabi ng grandstand at akala naman ay tapos na ang opening ceremonies. Pero, hindi pa pala, ipipakita pa pala ang mga teasers ng mga batang lumahok sa talent for a cause. Pagkatapos nung mga teasers, kami ay pabalik na sa gazebo at ang ibang tao naman ay papunta na sa cafeteria nang hinarang kami ng isang galit na galit na COCC na bawal daw lumabas ng field. Ang labo diba, pero pagkakita ko sa may front lobby, pwedeng lumabas ang mga tao sa front nang hindi hinaharang ng mga COCC. Kaya kami ay dumiretso lamang at nilagpasan siya dahil akala namin ay pwede talaga, ngunit kami ay kanyang binilangan at tinakot pa kami sa pagbibigay ng IR. Kaya kami ay bumalik sa loob ng field hanggang may isang estudyanteng lumabas at sinabi sa kanya ng harap-harapan na pwede daw lumabas sabi ng teachers. Marami ang nakarinig dun at habang nilalagpasan siya ng mga tao, siya ay inaasar at nagwalk-out na lamang siya sa kanyang lugar.
Pagkatapos ng maikling break, pinabalik nanaman kami sa aming mga lugar kasama ang aming mga houses. At nagsabi na bawal daw magiwan ng gamit sa gazebo at icoconfiscate raw. Ang dami namang bawala sa araw na ito. Kaya marami ang naasar dahil kailangan pa nila dalhin ang kanilang bag sa kanilang mga lugar at pagkatapos ay babalik din sa pinanggalingan upang ilagay muli ang bag.
Nang kami ay nagtipon-tipon na sa aming mga houses, magsisimula na ang Filipino games. Ang unang laro ay ang tug-of-war. Sa unang laro, kami ay natalo na kaagad. May dalawa pang mga sumunod na mga laro at laging talo ang aming house, haha. Hanggang dun sa huling laro na premyo o bayong na nanalo ang isa naming kaklase.Kami ay nanonood lamang sa mga manlalaro at umupo sa may semento sa bandang ilalim ng mga puno at sinabihan nanaman kami na bawal daw umupo dun, bawal nanaman, lahat nalang bawal. Habang naglalaro ang mga tao, may biglang lumapit na COCC sa kaibaigan ko na nagkataon na naguusap kami at ang iba pa naming kasama. Kinulbit siya bigla nung COCC at tinanong kung may problema ba siya sa mga babae. Nagtanong ang aking kaibigan kung bakit at sabi na sinabihan daw ang isang COCC na babae na "babae ka lang". Sinabihan ang aking kaibigan na magsorry daw siya, pero hindi pumayag ang aking kaibigan dahil yung babae naman ang unang nangbastos sa kanya at sinigawan siya. At ang sinagot ba naman ay "CO kami". Kami ay parang nainis na nang sandaling yun dahil parang ang yabang ng dating. At sumagot ang aking kaibigan na "anu ngayon, lahat parin tayo ay estudyante at lahat tayo dapat pantay-pantay lang. Kung gusto niyong respetuhin namin kayo, respetuhin niyo muna kami. Kaya ndi kayo basta sinusunod ng mga lower years eh" (OWNED!!) haha. Wala ng nasabi ang ang COCC at inulit na magsorry parin daw siya, ngunit siya ay hindi pumayag. Kaya umalis na lamang ang COCC.
Tama ang sinabi ng aking kaibigan dito. Nakakainis na rin talaga ang ILAN sa mga COCC ng araw na to, dahil akala mo kung sino silang may mga kapangyarihan at kahit sino nalang ay sisigawan. Dapat ay pantay -pantay lang ang mga tingin natin sa isa't isa at hindi ginagawang excuse ang pagkakaroon ng position sa pagwala ng respeto.
Pagkatpos ng lahat ng iyon, kami ay kumain at naglaro ng konting volleyball. Tapos kami ay nagtanim na ng puno, at pagdating ko dun, natanim na ang aming puno. Ang pagtatanim ang last activity sa araw na ito. Kaya ang iba ay nagbalak maglaro ng volleybll uli, ngunit mainit pa ang araw kaya tinamad ang iba at ang iba ay nagpingpong, bumalik sa dorm at naghanap ng ibang magagawa. Nung mga $ na, nagsimula na ang aming Dikum practice sa araw na ito, at may mga binago na uli sa aming presentation.
Yun lang ang mga masasabi ko o natatandaan ko na nangyari ngayong araw na ito....
Monday, September 1, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment