Marami pang nangyari nung humanities week simula nung tuesday hanggang nung family day.
Tuesday - Nung umaga, kami ay nagpunta lang sa aming mga Acle. Ang unang Acle ay parepreho sa lahat ng third at fourth years kaya kami lahat ay nasa gym. Ang talk na naganap sa gym ay tungkol sa "Keep Love Real". Hindi ko masyado napakinggan ang pinagsasabi nung speaker dahil ako ay nakikipaglaro lang ng battleship sa aking kaklase. Kami ay naglalaro lang hanggang matapos siyang magsalita.
Pagkatapos nun, kami ay pumunta sa aming sari-sariling Acle kung saan kami nagregister. Ang pinili kong acle ay ung walang ginagawa at ang napili ko ay ang monood nalang ng palabas. Ang palabas na pinanood ko ay ang Bella. Ito ay tungkol sa isang taong halos perpekto na ang buhay at umasenso na nang makasagasa siya ng isang bata at siya ay nakulong. Maganda ang kwento ng palabas na ito.
Nung hapon kami ay nagpraktis nlng para sa aming Dikum na gaanapin sa susunod na araw.
Wednesday - Sa umaga, kami ay nanood lamang ng required na palabas na para sa Filipino. Pagkatapos nun, kami ay nagpraktis na muli sa dikum na ippresent sa hapon na iyon. Nakailang runthrough lang kami at tumigil na rin. KAmi ay kumain na ng tanghalian at pagkatapos kumain, ay naglast runthrough at pumunta na sa Auditorium upang manood ng mga magtatanghal hanggang kami na ang magtatangahal. Maganda naman ang kalalabasan ng aming presentation at ako ay nagkamali pa nga pero hindi ata nahalata. Kami ay lumabas na second place at sabi ni Isabel na magcecelebrate daw next day at kami ay kakain.
Pagkatapos ng dikum, Nag ring sa court ay nalagay na rin sa wakas, at makakapaglaro na uli kami. Marami ang nagpunta doon upang maglaro at kami ay naglaro na lamang hanggang magdilim.
Thursday - Wala masyado nangyarai sa araw na ito dahil kaunti lang ang aming activities. Nung umaga, kami ay nakinig lang sa mga kabatch namin na nag-elocution at pagkatapos ng aming batch ay umalis na rin ako sa astb upang pumunta sa gazebo. Kami ay tumambay lang doon hsnggang may nagyaya maglaro ng pingpong. Wala na kaming activity para sa hapos kaya ako ay nakipaglaro nalang ng pingpong sa aking kaibigan. Hindi ko napansin ang oras at 4 na pala at sinabi pa naman na ang celebration daw sa dikum ay 3 pm. Kaya ako ay lumabas agad ng gym at niyaya ang mga kaklase ko na nasalubong ka na pumunta sa celebration. Akaal namin, pagdating namin doon ay wala na kaming aabutan un pala, marami pa ang natira at hindi rin namin naubos ang mga pagkain. Umulan pagkatapos namin kumain kaya kami ay hindi na nakapaglaro ng basketball nung hapon.
Friday - Halos buong araw kami nasa gym. Una, nandoon kami dahil foundation day. May nagsalita nanaman na speaker at kami ay nagbattleship nanaman ng aking kaklase. Hindi masyado mahaba ang speech kaya hindi ganun na nakakatamad at naka-isang laro lang kami at talo nanaman ako. Niloloko nalang namin ang senior na nagbabantay sa amin upang may palipas oras at nang tumagal, kami ay kumuha nlng ng math book at nagprove ng mga tanong doon. At natapos na ang umaga at kami ay pinalabas na sa gym.
Ang sunod na activity ay ang talent for a cause at sa gym ulit ginanap. Pinanood ko lang ang aming mga kabatch na nagperform at umalis na rin sa gym upang magbasaketball. Ang mga napanood ko ay ang potassium band na kumanta ng Stars ng Calalily, ilang mga teachers na nagpresent at si Isabel na kaklase ko na tumgtog at kumanta ng Let it be at Love song. Dahil ako ay naglaro na sa baba, hindi ko nakita ang math unit na magpresent na sabi ko ay papanoorin ko at ang sabi ng mga nakanood ay nakakatuwa raw.
Saturday (family day) - Halos wala akong ginawa ng araw na ito kundi maglaro. Pero badrtip dahil naiwan ko anag aking salamin sa bahay at halos wala ako makita sa malayo. Nung umaga, kami ay pinagparada sa oval bago pumunta sa gym. Nagkaroon lang ng opening rites sa gym at bago mag games, ako ay umalis na at naglaro ng pingpong. Hindi ko na alam ang naging resulta nung mga laro. Naglalaro lang ako hanggang tumigil na ako dahil magllunch na. Hindi ako umorder ng batch lunch kaya wala rin ako kinain kaya naghanap nalang ako ng matatambayan at mapagpapalipasan ng oras.
Makalipas ang mga isang oras, kinuha na ng aking magulang ang aking card at naghintay lang ako ng sandali sa school at umalis na rin kami. Pagkauwi ko sa bahay ako ay naglaro naman ng dota hanggang ako ay matulog na.
Yan na ang lahat ng masasabi ko sa mga nangyari nung humanities week...
At Birthday nga pala ni Mama Mary ngayon, wala lang.. Happy Birthday!!!
Monday, September 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment