Hindi ako ang magtatake ng exam, kuya ko..
Kaya lng ito ang title ng post na ito dahil ito ang dahilan kung bakit wla ako sa bahay ng buong araw. Nagsimba kami ng sobrang aga at paguwi, umalis rin pagkatapos ng isang oras para ihatid ang kuya ko. Ganito kaaga dahil baka raw abutin kami ng traffic dun at masikip lng ang daan dun. Kami nga ay inabot ng traffic doon at marami na ang kotse pagdating namin kya mabagal na ang galaw ng mga kotse. Kami ay kumain muna ng tanghalian at hinatid ang kuya ko sa loob ng LaSalle. Pagkahatid namin ay iniwan na namin siya doon at pumunta kami sa mall of asia.
Ang ginawa lng namin sa MOA ay naggrocery pero maraming pinamili ang mommy ko at mabagal pa aming paggalaw. dahil dito, inabot kami ng halos dalawang oras d2, pero kaya siguro kami ganito ay para maikli nlng ang hihintayin na oras pagkatapos. Pagkatapos namin maggrocery, 4 pm plng kya kami ay naghintay sa starbucks hanggang 6 pm.
Pagkatapos ng exam, kami ay umuwi na at nakauwi na kami ng mga 7:30 ng gabi. Maglalro dapat ako pero gumamit ang kuya ko ng computer kaya naghintay ako. Pero naawalan ng internet nung gabi kaya ako ay natulog nlng.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment