Friday, October 10, 2008

oo

Happy Birthday Mac and Maam Dawn!!

Wla ako maisip na title ng post kaya oo nlng.

Maraming nangyari ngaung araw. Tapos na nga ang exam pero ang dami namin hinahabol.
Umaga palang, kami ay nagmamadali na dahil 1 pm raw ang submission ng health project. Kagabi pa lang ay may nagawa na kami sa project na to pero konti palang pala un. Kanina, nsa girls' dorm na kaagad kami maaga pa lang. Minamadali namin ung health project at kami ay naggupit ng mga papel. Nag mamadali rin kami dahil may Lt pa sa comsci ng 12 pm. Kaya dapat matapos namin ung project ng bago mag12.

Natapos naman namin ang project sa oras, pero ako ay pinatakbo upang isubmit ung project sa gym. Bago pa ako pumunta sa gym, kelangan ko raw magpasign ng 30 na tao dun sa isang page.
Mukha pang maaga ang pagsubmit namin dahil marami pa rin ang nagcccram para matapos ang project nung kami ay nagsubmit. Medyo nalate ako sa comsci Lt, buti nlng ay may seating arrangement na inaayos kaya ako ay umabot sa simula ng test.

Nung hapon naman, english naman ang dapat naming matapos. Nagulo pa ang aming paggawa dahil nagcelebrate si Mac at maam Dawn ng kanilang birthday at nanlibre ang aming mga kaklase. Okei lng naman dahil kami ay nabusog sa kainan at gumawa na uli ng english. May homeroom pagkatapos ng kainan kaya kami ay napamadali dahil gusto namin sumama maglaro. Nang kami ay patapos na, nkita namin na paalis na si sir Joey kaya hinabol pa namin xa upang mapasign ang aming nagawa. Umabot naman kami at nang natapos na namin ang aming project, wla na rin kaming naabutan na naglalaro sa homeroom kaya wla na kami nakalaro.

Nung malapit na maggabi, marami ang naglalaro sa court kahit ito ay basa sa ulan. Sa lahat ng nilaro namin, lagi ako tinatalo ni jovick pero patuloy parin kami sa paglaro. Nung nagkaroon na uli ng konting ulan, nagsipagalisan na ang iba at nag one on one muna kami ni jovick pero ako ay talo pa rin. haha

Un na ang mga nangyari sa araw na to..

No comments: