Tuesday, October 21, 2008

Pagbabago na nagawa ng retreat..

Kala ko, magnadang effects lang ang nagagawa ng retreat. Inisip ko rin may mga taong magbabago in a good way after ng retreat. Pero hindi pala!

Monday after ng retreat, marami pa sa amin ung mga pagod. Pero may naririnig ako kay jovick na may nagpost daw sa blog ng section namin ng good sides ng lahat ng tao sa aming section. Hindi ko naman ganun pinansin nung una dahl ang inisip ko, wala lang siguro magawa ang taong gumawa nito. At ichchek ko nlng paguwi ko kung anu man ung nkasulat dun.

Pero, nung mismong araw na un, may narinig uli ako na parang iba daw ung talagang use ng post na un. May parang sinabi na edited post nalang daw un at hindi daw maganda ang nakasulat sa original post.

Pagkachek ko nung gabi, good sides na nga lang ung nkalagay dun, pero kanina, buti nalang may datacomm!! Nakita namin ang original na version nung post na un at akala nung mga taong nagmamanage nung blog ay wla na sila problema dun. Pero ang nangyari, kumalat ang balita at parang pinagusapan nlng na gumawa ng protected post.

Tapos un, nagkaaalaman na. Merong naglabas ng kanyang opinyon sa buong rubidium at parang may pinatatamaan pa. NAgulat ang lahat at marami ang nagreact sa post na ito. Kala ng iba ay magiging seryoso ang pagapproach ng class dito at ganun nga ang nangyari sa simula. Pero hindi talaga maiwasan na mang gago. Ginamit ng mga tao ang mga nakasulat sa kanilang hindi magandang side upang parang mangasar sa klase. Dahil hindi naman namin alam kung sino talga ang gumawa nito, hindi namin alam kung sino ang tinatamaan sa aming pangaasar.

Nagiisip - isip ang mga tao kung sino talaga ang gumawa ng wlng kwenta at mababaw na post na un. Magkakaiba siguro ang aming mga iniisip, pero hindi pa rin kami sigurado kung sino talaga ang gumawa nito :D.

Ang galing talaga ng retreat, marami itong nagagwang pagbabago sa ating buhay. Natututo tayo na magexpress ng ating mga nasa isip. Pero sana naman ay wag maxado "below the belt" ang ating pagexpress ng feelings..

No comments: