Monday, November 24, 2008

Bad Start pare...

bad start ng week..

tae, umaga pa lang, pagkagising ko, wla na kaagad ako sa mood pumunta sa school tapos late nanaman ako nagising. Naligo ako at inisip na sana ganahan na ako pagkatapos ko maligo pero wala pa rin. Sunod, ung pantalon na naplantsa na gagamitin ko ngaun ay mali kya ito ay masikip. Ito kasi ung pantalon ko last year. Kaya kumuha ako sa sampayan ng isa pang pantalon na mas comfortable pero may nakakainis nanaman na nangyari. Pagkahila ko ng pantalon, nalaglag ung sampayan at nalaglag lahat ng mga sinampay. Nagmamadali na nga, nangyari pa ito, kya nasayang nanaman ung oras ko sa pag ayos ng mga ito at hindi ko pa naaayos ang gamit ko para sa PE.

Late na kami nakaalis ng bahay dahil sa akin at nang kami ay medyo nakalayo na, naisip ko na hindi ko pala nalagay ang PE shirt ko sa aking bag. Lalo na ako naiinis sa sarili ko kasi antanga ko. Pero naisip ko na pede naman white shirt sa Pe at buti nlng nalagay ko na ung short sa bag ko.

Medyo natraffic pa kami kaya patapos na ung flag cem nang dumating ako. Medyo maayos na ung mood ko, tapos habang naghihintay ako magsign dun sa late na sheet, may nakita akong hindi ka nais nais.. at nasabi ko nlng sa sarili ko na, malas talaga, bad start talaga pare...

Tapos habang nagkklase kami sa Str, nalaman ko na may quiz pala sa English at hindi ko pa nababasa ung reading. Kaya binasa ko ung reading nung Str at medyo natuwa naman ako dahil medyo interesting ung kwento. Kaso nga lang, hindi ako nkatulong sa mga kagroup ko at iniwan nila sa akin ung hindi nila natapos nung Str period. Hindi naman ako makatanggi dahil wala naman talaga ako ginawa. Nung Math, medyo inayos ko talaga ng konti ung mood ko dahil inisip ko na baka makatulong ito mkasagot ng test ng mas maayos. Medyo nakatulong nga pero hindi ko alam kung tama ung mga pinagsusulat ko dun. At nalaman ko rin na may mga mali ako na madadaling questions, pero bahala na, wla na ako magagawa dun.

Medyo umayos na ung araw hanggang maghapon tapos maayos sana ung homeroom pero sinali nila ako sa mga magppresent, anu kya ippresent ko??, tae naman, at parang wala rin naman ako balak pumunta eh.. Tapos ang masaklap pa dun, habang hinihintay namin ang dismissal dahil gusto ko nlng idaan sa laro ung inis ko sa sarili ko, ay umulan. Nung una ay umambon lng pero lumakas din. Lalo ako nawalan ng gana at parang gusto ko na umuwi, pero wla pa ung sundo ko.

Wala akong ginagawa hanggang masundo na ako, naglaro lang ako ng isang game sa basket kht basa ung court, tapos late na rin ako nakauwi. Kala ko tapos na lahat nung mga katangahan ko ngaung araw pero nung kumakain kami, pagkalagay ko ng tubig sa baso ko, natamaan ko ito at natapon ung tubig. Nagkalat ito sa mesa at inimis ko nlng. "haaay" ito nlng ang nasabi ko sa sarili ko dahil alam ko na ang tanga ko na tlga ngaung araw.

Ang mabuti lang ay nkpagaral ako sa chem ngaun gabi pero sana ay matandaan ko ito bukas pagdating na ng long test.
Pagkapost ko nito ay matutulog na ako at sana ay maiba naman ang araw ko bukas..

No comments: