Nagreunion ung class ko last year(Jasmin) ngaun. Ngpunta lang kami sa MOA at nandun kami buong araw. Mga 15 rin kaming pumunta at hindi masyado marami ang nagawa namin pero masaya naman. NAgkikita kami sa pisay tapos matagal din ung trip namin papunta dun dahil may mga sinundo pa kami.
Nakarating kami sa MOA nang mga 12:45 na. Ang una naming ginawa ay kumain sa Shakey's. Medyo matagal ung order namin at pahiwa-hiwalay kaya ang akala namin ay hindi kami mabubusog sa kakainin namin. Un din ang naisip pala ni proc pero mali kami, paglabas namin sa shakey's ay busog kami. After nun, nanood kami ng sine : Passengers. Kala namin sa trailer ay horror pero hindi pala!! tae, madness.. Halos walang kwenta ung story para sa akin.. Pero ang maganda lang, hindi siya boring, parang mapipilitan kang manood. After nun, inubos lang namin ung card namin sa timezone nung bago kami manood ng passengers.
Kala ko ay maguuwian na after nito pero naisip nila maglaro ng bowling. Wala dapat ako balak sumali dahil hindi naman ako marunong nun at 100 per person ang bayad, nanghihinayang ako. Pero nilibre ako ni Elvis!!(tnx Elvis) Kaya un, naglaro na rin ako.. Dati kala ko madali lang matutunan ang bowling dahil sa pinapanood ko na mga naglalro pero hindi pala siya ganun kadali. Matagal din ang isang game pero masaya naman hanggang matapos. Nakstrike pa nga ako eh, dalawang bese, lakas ng tsamba ko.. hahahha
NAguwian na kami at late na kami nakabalik ng pisay, mga 7:30. Tapos sinundo ako dun at umuwi na..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment