Sunday, November 9, 2008

Malas...

Nagtake nanaman ng exam yung kuya ko ngayon, tapos sinamahan ko uli ung mom ko habang naghihintay sa kanya. May trabaho ung mom ko kaya hindi siya masyado tinamad habang naghihintay.. At ako naman nagbasa ng memoirs,, akalain mo un??, hahaha.. tapos un, parang mmga 4 hours ako nagbabasa pero mga naka 100 pages lang ako..

May mga nakita rin ako na mga 09 dun sa place kung saan nagtake ng exam ung kuya ko..
Nung umuwi na kami, dumaan lang kami sa mall na malapit sa amin tapos naglunch. After maglunch, kelangan daw magpagupit ng kuya ko kaya nagpagupit na siya. Tapos sabi ng mom ko na magpagupit na rin daw ako kahit ayaw ko pa, pero pinilit niya ako..

Habang nagpapagupit kami, may binili lang ung mom ko sa grocery. Tapos pagkakita niyasa akin, sobrang ikli na ng buhok ko. HIndi ko un ginusto, sabi ko lng dun sa barbero, bawasan ung sa taas pero sobra niyang ginupitan kya ang ikli na sobra..wew!

Paglabas namin sa mall, sobrang lakas ng ulan. Nagtaxi kami pero baha dun sa lugar namin kaya lumipat rin kami sa tricycle. Iba't ibang alternate route ung dinaanan ng mga tricycle para lang umiwas sa baha. Tapos nasiraan pa ung pangalawa naming tricycle na sinakyan dahil pinasok ng tubig ung makina niya, kuwawa naman siya. Dahil dun, nastranded kami sa isang lugar na hindi namin alam dahil alternate route nga ang dinaanan namin. Buti nalang at may nakita kaming suki naming tricycle at kami ay hinatid sa gitna ng malakas na ulan..

Kaya ung 20 minutes namin na biyahe pauwi galing sa mall, parang naging 1hour and 30 minutes.. Saya naman ng araw na to.. haaay..

No comments: